Ipinag-utos na ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagpapatuloy ng labor inspection sa buong bansa upang matiyak na sumusunod ang mga establisimyento sa mga batas sa paggawa.
Sa Administrative Order 11, noong January 19, pinahintulutan ng kalihim ang nasa 600 labor inspector na magsagawa ng mga regular na inspeksyon, complaint inspection;
Pagsisiyasat sa mga pamantayan sa kaligtasan at kalusugan sa trabaho at espesyal na inspeksyon sa mga establisimyento.
Inatasan din ni Bello ang DOLE regional directors na maglabas ng awtorisasyon upang siyasatin at imbestigahan ang mga partikular na business establishment.
Magugunitang sinuspinde pansamantala ang labor inspection simula noong December 1.