Pansamantalang itinigil ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagsasagawa ng labor inspection sa mga kumpanya ngayong Disyembre.
Batay sa ibinabang administrative order ni Labor Sec. Silvestre Bello III, inaatasan ang lahat ng regional directors ng kagawaran na sumunod sa suspension ng labor inspection activities sa lahat ng kanilang nasasakupan.
Ito umano ay para mabigyan ng sapat na panahon ang paglutas sa mga nakabimbing kaso sa paggawa at makapaghanda na rin ng inspection program ang ahensya para sa 2020.
Samantala, sa pinakahuling datos ng DOLE noong Setyembre, umabot na sa mahigit 57,000 establisyemento na sumasakop sa 2.3-milyong manggagawa ang sumailalim na sa pagsisiyasat ng DOLE labor inspectors.