Nais ng Labor Minister ng Saudi Arabia na makausap si Labor Secretary Silvestre Bello III upang talakayin ang usapin hinggil sa hindi pa bayad na sweldo at benepisyo ng mahigit 9K Overseas Filipino Workers.
Sa ngayon ay nasa Dubai si Bello at iba pang labor officials upang makipagpulong sa Labor Minister ng Saudi Arabia.
Kapag hindi umano nagkaroon ng malinaw na solusyon upang matulungan ang mga OFW, irerekomenda ni bello kay Pangulong Rodrigo Duterte ang deployment ban ng mga OFW sa naturang bansa.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico