Hindi na ikinagulat ni Labor Secretary at GPH Chief Negotiator Silvestre Bello III ang muling pagbuhay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapang pangkapayapaan.
Ito ay matapos siyang atasan mismo ni Pangulong Duterte na magtungo ng the Netherlands para makipag-usap sa Communist Party of the Philippine – National Democratic Front (CPP-NDF).
Ayon kay Bello, kailanman ay hindi nawala ang hangarin ng Pangulo na makamit ng Pilipinas ang panghabambuhay na kapayapaan.
Sinabi ni Bello, isa sa magiging pangunahing niya sa pagtungo sa The Netherlands ang kumbinsihin sina CPP Founding Chairman Joma Sison na ganapin sa Pilipinas ang pagpapatuloy ng peacetalks.
Umaasa naman ang kalihim na magkakaroon ng positibong resulta ang kanyang pagtungo sa The Netherlands dahil naniniwala siyang kapwa hinahangad ng magkabilang panig ang kapayapaan.
Alam ko naman na sa isip ng ating Pangulo ang kanyang pinaka-legacy sa ating bansa ay ang kapayapaan, everlasting and inclusive peace for our country and our people. I’ll pray na magiging matagumpay itong laban na ito. Ito ang pinakamagandang aginaldo ng Pangulo sa ating bansa,” ani Bello. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas.