Binawi ni dating Labor Secretary Marianito Roque ang Certificate of Candidacy (COC) nito bilang Senador sa 2022 National Elections.
Ipinabatid ni Roque na papalit siya o magsisilbing substitute niya ang kasalukuyang Labor Secretary Silvestre Bello, III sa ilalim ng Lakas-CMD.
Personal ang dahilan ni Roque sa pag atras sa pagtakbong senador sa susunod na eleksyon.
Samantala, inihayag ni Labor Spokesperson Rolly Francia na hindi pa nakapagpasya si Bello kung sasabak o hindi sa 2022 Senatorial Elections bagamat may hanggang Lunes pa ito sakaling gustuhing pumalit kay Roque.