Prayoridad ng nagbabalik na pinuno ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagpapalakas ng sektor ng paggawa para maibsan ang kahirapan at pasiglahin ang paglago ng ekonomiya.
Ito ang inihayag ni returning NEDA chief Arsenio Balisacan na sa ilalim ng administrayon ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay pagtutuunan nito ang nabanggit na sektor.
Binigyang-diin din ni Balisacan na ang pag-alis ng potential Concerns of Investors kabilang na rito ang lagging digitization ay dapat ding nangunguna sa mga hakbang ng bansa para sa pag-unlad ng ekonomiya.