Inireklamo ng theft o pagnanakaw ni Akbayan Party List Representative Tom Villarin si dating Congressman ngayo’y Labor Undersecretary Jacunto Paras.
Ang kaso ayon kay Villarin ay isinampa niya sa Office of the Prosecutor sa Quezon City matapos aniyang nakawin ni Paras ang kaniyang celfon.
Sinabi ni Villarin na dumadalo siya ng Public Hearing ng Committee on Labor sa De Venecia Hall nang lumapit sa kaniya si Paras at sinabihan siyang: layo pala ni Senator Hontiveros ang magkasama at habang nakikipag usap siya sa iba inilagay ni Paras ang kaniyang telepono sa ibabaw ng telepono ng dating Kongresista.
Kapwa aniya kinuha ni Paras ang telepono at nagtungo na sa Zulueta Hall sa parehong gusali kung kailan niya napansing nawawala ang kaniyang phone.
Ipinabatid ni Villarin na sinabihan niya ang kaniyang staff na tawagan ang kaniyang phone at sa isang pagkakataon, sinagot ito ng miyembro ng Legislative Security Bureau at naiwan umano ang telepono sa Zulueta Hall.
Inihayag ni Villarin na nag request din siya ng kopya ng CCTV Footage para makita kung paano napunta sa Zulueta Hall ang kaniyang phone at lumalabas na dalawang telepono ang bitbit ni Paras.
Malinaw aniyang kumukuha ng impormasyon si Paras mula sa kaniyang phone na maaaring magamit nito laban kay Hontiveros.
Todo-tanggi naman si Paras na ninakaw niya ang phone ni Villarin at hindi aniya niya itataya ang kaniyang reputasyon at buhaya para lamang magnakaw ng celfon.
Posible aniyang nabitbit niya ang phone ni Villarin dahil nagmamadali siyang magtungo sa Zulueta Hall para dumalo sa isa pang pagdinig.
—-