Sinibak na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Labor Underscreatary Joel Maglunsod.
Inanunsyo ito ng Pangulo sa kanyang talumpati kagabi sa Camp Juan Ponce Sumuroy sa Catarman, Northern Samar.
Hindi naman nagbigay ang Pangulo ng dahilan sa pagsibak nito kay Maglunsod.
Gayunman, nabanggit sa talumpati ng Pangulo ang problema ng patuloy na pagsasagawa ng strike ng mga manggagawa na nakakaapekto sa ekonomiya.
Si Maglunsod ay dating kinatawan sa Kongreso ng makakaliwang grupong Anakpawis.
Magugunitang nawala na rin sa gabinete ang mga miyemnbro ng makakaliwang sina dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo at dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano matapos na hindi makumpirma ng Commission on Appointments (CA).
Sinibak naman sa puwesto si Terry Ridon bilang Chairperson Presidential Commission for the Urban Poor habang nagbitiw naman si Liza Maza sa National Anti-Poverty Commission.
(Ulat ni Jopel Pelenio)