Inanunsiyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na wala pa sa plano ng gobyerno na ibalik ang “LaBoracay” o ang Labor Day Beach Party na ginaganap sa Boracay .
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, dahil sa masasamang epekto ng taunang beach party sa kalikasan ay wala pang balak ang gobyerno na ibalik ang ‘LaBoracay’.
Matatandaan na noong 2018 ay itinigil ng municipal government ng malay ang pagbibigay ng mga special permit para sa LaBoracay, na dating pinakamalaking kaganapan sa 14,000 turista at partygoers bawat taon.
Samantala, sinabi ng mga concerned government agency na ito ay bilang suporta sa rehabilitasyon ng Boracay dahil sa nadudulot na pagtaas sa solid at water waste ng nasabing event.