Isang shabu laboratory sa Caloocan City ang ni-raid ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC).
Ayon sa mga otoridad, nakuna sa laboratoryo ang imported na kemikal, sangkap at paraphernalia sa paggawa ng shabu.
Habang mayroon ding liquid na shabu ang nakita sa loob ng refrigerator.
Wala namang naaresto sa operasyon pero ilang suspek na sangkot ang una nang nadakip noong Marso a-9 sa isang buy-bust operation sa Cubao sa Quezon City. —sa panulat ni Abby Malanday