Humingi na ng paumanhin ang kinatawan ng laboratoryong nagtapon ng mga medical waste, na kinabibilangan ng mga gámit na COVID-19 antigen test kits at heringgilya sa Virac, Catanduanes.
Ito’y makaraang magpositibo sa COVID-19 ang pitong bata na nakapulot ng used syringes mula sa basura ng laboratoryo na kanilang nakita sa Aplaya.
Nabatid na mga nasabing medical waste ay itinambak kahabaan ng tabing dagat sa barangay Concepcion.
Ayon kay barangay chairman Anthony Arcilla, nasa edad 3 hanggang 11 ang mga biktima na kasalukuyang naka-isolate at binibigyan ng mga gamot at vitamins.
Nakatakda namang sumailalim sa RT-PCR test ang mga bata ngayong araw.
Samantala, nag-isolate na rin ang ilang barangay official matapos makasalumuha ang kinatawan ng laboratoryo na napag-alamang positibo rin sa COVID-19.