Binalaan ng environmental group na EcoWaste Coalition ang publiko laban sa pagbili ng unofficial Labubu items na maaaring naglalaman ng lead, isang harmful metal element.
Sa isang pahayag, sinabi ng EcoWaste na naobserbahan nito na nagkalat na ang Labubu-inspired items sa buong Divisoria, Manila, kung saan ibinebenta ang mga imitation Labubu items tulad ng stuffed toys, key chain, at phone accessories sa abot-kayang presyo.
Batay sa naging pagsusuri ng 42 items na binili ng grupo, 5 lamang ang may partial label at ang 37 ay walang label.
Sa isinagawang X-Ray Fluorescence screening na walo ang nagtataglay ng neurotoxin na lead.
Nasa 24 ng 42 items ang gawa sa polyvinyl chloride (PVC) plastic, na may mapanganib na kemikal kabilang ang lead na gamit na stabilizers o colorants, at phthalates bilang plasticizers.
Ang lead o tingga, ayon sa World Health Organization (WHO) ay isa sa 10 kemikal o grupo ng mga kemikal na pangunahing public health concern.