Iminungkahi ni Senator Chiz Escudero kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang pagbibitiw nito bilang Presidential spokesperson.
Sinabi ito ni Escudero, matapos maglabas ng pahayag si Lacierda na nakahanda ang Partido Liberal, anumang oras na magpasya sina Escudero at Senador Grace Poe na huwag sumali sa unified ticket ng administrasyon para sa 2016.
Ayon kay Escudero, kailangang tiyakin ni Lacierda kung siya ba ay tagapagsalita ng Pangulong Noynoy Aquino o ng Liberal Party lalo na at sumusuweldo pa ito mula sa buwis ng mamamayan.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)