Inihayag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang kaniyang “all in” support sa kontrobersiyal na anti-terrorism bill.
Gayunman, tiniyak din ni Lacson ang kaniyang pagbabantay at pagiging mapagmatyag laban sa mga mang-aabuso ng naturang panukalang batas.
Ayon kay Lacson, mas kinakailangan niyang bantayan ang mga mang-aabuso sa pag-iral ng anti-terrorism act of 2020 dahil isa umano ito sa malaking hamon sa tunay na layunin ng panukalang batas na siya ring principal sponsor nito.
Una nang lumusot ang panukalang batas sa ikatlo at huling pagbasa ng senado.