Hindi deserve ni dating Pangulo Noynoy Aquino na hindi kilalanin bilang isang Presidente ng bansa.
Ito ang binigyang diin ni Senador Panfilo Lacson, maraming nagawa si PNoy sa bansa kung saan kailangan ma-aappreciate ng ibang to.
Si Lacson ay ang rehabiliation Czar na tumulong at nag-asikaso noong tumama ang super typhoon Yolanda sa ilang lugar sa ilalim ng administrasyong Aquino .
Bukod kay Lacson, hindi rin makakalimutan ni Senador Kiko Pangilinan ang pagiging simple ni PNoy.
Pinuri rin ni Lacson ang pagiging matiyaga at masikap ni PNoy kahit nuong congressman pa lamang ito.
Noong 24 namatay ang dating Pangulong Noynoy Aquino kung saan binisita ito ng ilan niyang kaibigan.