Tila nakikiramdam pa rin si dating Senador Panfilo Lacson sa kung anong puwesto sa gobyerno ang kaniyang tatakbuhin sa 2016 Presidential Elections.
Sinabi ng senador, kaniya pa ring hinihintay ang resulta ng mga survey bago niya ihayag kung tatakbo ba siya o hindi sa pagka-Pangulo o Pangalawang Pangulo.
Gayunman, hindi isinasara ni Lacson ang posibilidad na makatambal niya si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na isa niyang kaibigan.
Ngunit, inamin ni Lacson na kung hindi sumang-ayon sa kaniya ang resulta ng mga survey sa pagka-Pangulo, posibleng balik-senado ang kaniyang tahakin sa nalalapit na eleksyon.
By Jaymark Dagala