Dismayado si Senador Panfilo Lacson sa itinakbo ng period of amendments sa panukalang Tax Reform for Acceleration and Inclusion pero kanyang nilinaw na hindi siya nag – walk out.
Ayon kay Lacson, dahil sa kanyang matinding pagka – dismaya ay hindi na niya itinuloy ang individual amendments.
Sa halip ay umiwas na lamang siya upang mapigilang makapagsalita ng masama na maaaring ikasama ng loob ng mga kasamahang senador.
Umalis na lamang si Senador Lacson sa session at umakyat sa kanyang tanggapan.
Ipinaliwanag ng mambabatas na hindi na siya umabot sa panukalang ibaba ang VAT rate sa 10% mula sa kasalukuyang 12% dahil agad ibinasura ang kanyang unang panukalang tanggalin ang mga VAT exemption sa mga supplier ng direct exporter na nasa loob ng export zone.
Kung hindi aniya na – reject ang unang panukalang ammendment ay isusunod na sana niya ang pagsusulong na ibaba sa 10% ang kasalukuyang 12% VAT rate.