Hindi kumbinsido si Senador Panfilo Lacson sa naging pahayag ni DICT secretary Gregorio Gringo Honasan na “not that bad” o hindi naman daw ganun kasama ang internet speed sa bansa.
Sinabi ni Lacson na iginagalang niya ang nasabing pahayag ni Honasan subalit medyo masama ang dating nito na katumbas ng ‘not so good’ o hindi ganun kaganda.
Iginiit ni Lacson na sa gitna nang nararanasang pandemya kung saan mahalaga ang virtual communication ang dapat na marinig sa kalihim ng DICT ay ‘good enough, very good’ o mas maganda kung excellent ang sitwasyon ng internet speed sa banca.
Ayon naman kay Senate President Vicente Tito Sotto III na naging konserbatibo lamang si Honasan sa kanyang pagsasalarawan sa estado ng internet speed sa bansa at hindi nito talaga masabing maganda subalit hindi rin naman ganun kasama.
Subalit binigyang diin ni Sotto na malinaw na mayroong pangangailangan para paghusayin ang internet speed at internet connection sa bansa.