Maaari umanong mabawasan ang problema sa iligal na droga pero imposibleng masugpo ito nang ganap.
Ito ang inihayag ni Senador Panfilo Lacson kasunod ng pagbawi sa deadline ng administrasyon para sa kampanya nito kontra iligal na droga.
Sinabi ni Lacson na hindi niya ikinagulat ang pahayag ng Pangulong palalawigin ang naturang kampanya hanggang matapos ang kanyang termino sa 2022.
“Di talaga mangyayari yun, not under any President, not under any Chief PNP, not under any NBI (National Bureau of Investigation) Director”, ani Sen. Lacson
Kaugnay nito, tinukoy ni Lacson kung ano ang dapat gawin ng Philippine National Police o PNP sa paglaban sa iligal na droga ngayong sinuspinde na ang oplan tokhang dahil sa pagmamalabis ng ibang mga pulis.
Pakinggan: Pahayag ni Senador Panfilo Lacson
By: Avee Devierte / Cely Bueno / Race Perez