Interesado si Senador Panfilo Lacson na makita kung paano magtutulungan ang nilikhang Anti-Corruption Commission ni Pangulong Duterte at ang tanggapan ng Ombudsman.
Ayon kay Lacson, ang bagong likha na Presidential Anti-Corruption Commission ay malinaw na may law enforcement pero walang prosecutorial power.
Aniya, ang mga iniimbestigahang kaso ng katiwalian ng bagong anti- corruption commission ay kailangan pa ring i-refer o isumite sa Office of the Ombudsman dahil ito ang may prosecutorial power.
Dagdag ni Lacson, ang law enforcement power naman ng nasabing bagong komisyon ang kailangan ng Office of the Ombudsman kung saan maka-pagbibigay ito ng kaso, makapagsawa ng entrapment operations at makapag-apply ng search warrant.
Sa palagay din ni Lacson, hindi na kakailanganin ang kanyang inihaing panukalang batas na mag-aamyenda sa batas na lumikha ng Ombudsman para mabigyan ng ito ng law enforcement power dahil sa pagkakalikha ng Presidential Anti-Corruption Commission.