Nanindigan si Senador Panfilo Lacson sa karapatan niyang magsalita sa usapin hinggil sa visiting forces agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Sinabi ni Lacson na hindi man siya abogado tulad ng Pangulong Rodrigo Duterte, subalit sa huling basa niya sa konstitusyon, malinaw na ang isang senador ay may kinalaman sa international agreements na pinapasok ng gobyerno.
Ayon kay Lacson, dapat i-“refresh” ng pangulo ang kanyang memorya sa pamamagitan nang pagbasa sa Article VII, Section 21 ng 1987 Constitution kung saan nakasaad na walang anumang tratado o international agreement ang magiging valid at epektibo maliban na lamang kung niratipikahan o inaprubahan ito ng two thirds ng lahat ng miyembro ng senado.
Binigyang diin ni Lacson na kahit ang ordinaryong Pilipino na sa pakiramdam niya ay napahiya sa masakit at undiplomatic remarks ng pangulo ay mayroong karapatan sa ilalim ng batas na maghayag ng kanyang opinyon.
“Mr. President, read the 1987 Constitution.”
Ito ang sagot ni Sen. Lacson kay Pang. Duterte kasunod ng pahayag nito na tanging presidente lang ang may kapangyarihan sa ilalim ng 1987 Constitution na magpasya sa pakikipag-ugnayan ng Pinas sa ibang bansa. https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/dISZSJOxRd
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 16, 2021
Wala aniyang sinuman kahit pa ang pangulo ng bansa ang maaaring kitilin ang nasabing basic right ng publiko.
Una nang sinabihan ng pangulo si Lacson na wala itng kinalaman sa isyu ng gobyerno sa VFA kaya mas mabuti anitong kumunsulta sa kanyang abogado bago magsalita at gumamit ng lengguwaheng makapagpo-promote sa pagkatao nito. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)