Kinuwestyon ni Senador Panfilo Lacson ang malaking budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa right of way ng mga infrastructure projects nito para sa susunod na taon.
Duda si Lacson kung talagang magagamit ang P36-bilyon na hinihingi ng DPWH para sa right of way.
Ito aniya ay dahil walang record na nagamit ang P11.4-bilyon na budget ng DPWH para sa right of way sa kasalukuyang taon samantalang P3.2-bilyon mula sa P10.8-bilyon lamang na budget ng ahensya para sa right of way noong 2019 ang nagamit.
Binigyang diin naman ni DPWH Secretary Mark Villar na malaki ang hinihingi nilang budget para sa right of way dahil maraming infrastructure projects ang nasa advanced stage na.
Bukod dito, sinabi ni Villar na mayroon din silang babayaran na dating claimants na nasa listahan nila. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)