May hawak ring testigo si Senador Panfilo Lacson kaugnay sa pagkakapatay ng Caloocan Police sa 19-anyos na si Carl Angelo Arnaiz.
Sinabi ni Lacson pumunta sa kanyang tanggapan ang 21-anyos na lalake at nag-iwan ng kaunting salaysay.
Ayon aniya sa naturang testigo, kanya pang nakita si Arnaiz na kasama ang 14-anyos na si Reynaldo de Guzman alyas Kulot bago ito napatay ng mga awtoridad.
Maliban dito ay nakita rin umano ng testigo ang binatilyong si Carl na nasa loob na ng sasakyan ng mga pulis.
Matatandaang napatay ng mga pulis-Caloocan si Arnaiz dahil sa nakipagpalitan umano ng putok ang binatilyo nang tangkang arestuhin dahil sa reklamong panghoholdap sa taxi driver na si Tomas Bagcal.
PAO
May hawak rin na bagong testigo ang PAO o Public Attorney’s Office kaugnay sa kaso nang pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo ‘Kulot’ De Guzman.
Ayon kay PAO Chief Persida Rueda Acosta, nakita mismo ng nasabing witness ang ginawang pagpaslang sa mga binata.
Magugunitang sina Arnaiz at De Guzman ay huling nakita noong August 17 at sinasabing hindi na nakabalik pa sa kanilang mga bahay bago natagpuan na kapwa patay na sa magkaibang lugar.
By Judith Larino
—-