Ibinunyag ni Senator Panfilo Lacson na mayroon din siyang listahan ng mga local government officials na umano’y sangkot sa illegal drugs.
Ayon kay Lacson, nakahanda siyang ibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang listahan sakaling wala ang ilan sa mga ito sa listahan ng punong ehekutibo.
Sinabi ng senador na kabilang sa mga nasa listahan niya ang limang alkalde na hinihinalang drug lords o kaya’y protector.
Bagama’t ayaw tukuyin ni Lacson, idinagdag niya na kapwa incumbent ang mga ito at nasa labas ng Metro Manila.
Matatandaang pinangalanan na ni Pangulong Duterte ang mga dati at kasalukuyang PNP generals na umano’y sangkot sa iligal na droga na sina Marcelo Garbo Jr., Bernardo Diaz, Vicente Loot, Joel Pagdilao at Edgardo Tinio.
By Jelbert Perdez