May ibubunyag pa si Senador Panfilo Lacson sa aniya’y isa pang maaaring kaso ng plunder na kinasasangkutan ni Health Secretary Francisco Duque III.
Tinukoy ni Lacson na mas malaki at mas grabe ang susunod na expose niya laban kay Duque na may kaugnayan sa family corporation hinggil sa Philhealth o tungkol aniya sa DOH mismo.
Sinabi ni Lacson na may hinihintay pa siyang isa pang dokumento na karamihan ay ibinibigay sa kaniya mula mismo sa loob.
Ipinabatid ni Lacson na batay sa kaniyang sources, pumapalo sa 154 billion pesos ang ninakaw na pondo mula sa Philhealth sa nakalipas na limang taon.
Hindi aniya katanggap tanggap ito lalo pa’t kailangan ng malaking pondo para sa Universal Health Care Act.
Tinawag namang baseless at speculative ni Duque ang nasabing pagbubunyag ni Lacson at itinuro ang Commission on Audit na siyang may expertise sa pag audit ng pangangasiwa sa pondo ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng Philhealth at DOH.