Iwasan ang pagsisinungaling.
Ito ang payo ni Senador Panfilo Lacson sa mga haharap sa pagdinig ng Kongreso para hindi matulad sa sinapit ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay.
Magugunitang ibinasura ng Committee on Foreign Affairs ng Commission on Appointments (CA) ang appointment ni Yasay dahil sa umano’y pagsisinungaling nito sa kanyang US citizenship.
Kaugnay nito, isinusulong din ni Lacson na pabigatin ang parusa sa sinumang resource person na hindi magsasabi ng katotohanan sa pagdinig ng Senado at Kamara.
By Judith Larino