Nainsulto umano si Senator Panfilo Lacson sa ikalawang unification meeting nila ni Senate President Tito Sotto III kina Vice President Leni Robredo at Senator Franklin Drilon.
Ito, ayon kay Senator Lacson, ay dahil naramdaman niyang hindi naman talaga unification ang intensyon ng pag-uusap.
Wala naman anyang malinaw na napag – usapan kung kanino nasa ilalim ang unification.
Partikular umanong nainsulto si Lacson sa sinasabing hand motion o pagsenyas ni Drilon kung saan itinuro si Sotto at Robredo na tila ang ibig sabihin ay silang dalawa ang magtambal at magwithdraw na lang siya.
Iginiit ni Lacson na mabuti na lamang ay hindi niya napansin ang pagsenyas na ito ni Drilon pero pagkatapos ng pulong ay na-ikuwento sa kanya ni Sotto at doon na umano siya nainsulto.—sa panulat ni Drew Nacino mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)