Nais ni Senador Panfilo Lacson na maglabas ng simple, malinaw at komprehensibong paliwanag ukol sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) ang Inter-Agency Task Force ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Lacson, iba-iba ang impormasyong inihahayag ng mga eksperto hinggil sa sakit.
Gaya na lamang aniya ng sinabi ni dating DOH secretary Janette Garin na ang maaaring makahawa lamang ng virus ay yung may sintomas at ang dapat na isinasailalim lamang sa quarantine ay ‘yung nakaroon ng direct contact sa isang positibo sa COVID-19.
Ngunit ani Lacson, mayroong isang babae sa China na nakahawa ng limang miyembro ng pamilya kahit wala itong sintomas na naramdaman.
Kaya mas mabuti umano na maging malinaw ang lahat ng impormasyon para sa kaalaman at pag-iingat na rin sa publiko.