Nanawagan si Senador Panfilo Lacson sa gobyerno na ipasara ang ilang restaurant at iba pang business na laan lamang sa mga Chinese national na nasa bansa.
Ayon kay Lacson, dapat na kumilos ang Department of Trade and Industry at iba pang ahensya ng gobyerno para mapigilan ang mga negosyante mula sa China sa pagpasok sa small and medium enterprise.
Aniya, ang dapat na maging prioridad sa mga SME ay ang mga negosyanteng Pilipino.
Mawawalan aniya ng pagkakataon ang mga negosyanteng Pilipino na mayroong maliliit na puhunan na makapag invest sa negosyo kung tatapatan pa ng mga tsinong mayroong milyong pisong puhunan.
Una nang lumutang sa social media ang tinawag na China Food City sa Alabang, Muntinlupa City kung saan tanging mga Chinese lamang ang maaring pumasok at mahigpit na ipinagbabawal ang mga Plipino.
Bukod dito ay mayroon din mga convenience store na pag aari ng Chinese Nationals sa Makati at Pasay na hindi rin nag bebenta sa mga Pilipino.