Pinahahanap ni Senador Panfilo Lacson sa Philippine National Police o PNP Region 11 ang isang Jerry Trocio na itinuturing umanong person of interest sa pagpaslang sa broadcaster na si Jun Pala.
Kasunod na rin ito nang pagbubunyag ni Retired SPO3 Arthur Lascañas sa pagdinig ng senate public order and dangerous drugs committee na si Trocio ay nananatiling empleyado ng Davao City Hall.
Lumalabas naman sa third progress report ni PNP Region 11 Director Chief Supt. Manuel Gaerlan na si Trocio ay isinailalim sa monitoring ng CIDG.
Inutusan ni Lacson si Gaerlan na alamin ang resulta ng follow up operations ng CIDG kay Trocio na ayon sa testimonya ni Lascanias ay dating miyembro ng npa at part time security/bodyguard ni pala.
By Judith Larino