Pinuri ni Senador Panfilo Lacson si DFA Secretary Teodoro Teddy Boy Locsin sa mabilis na pagkilos nito sa paggampan ng kanyang tungkulin.
Ayon kay Lacson dapat mabigyan ng medalya ng anti red tape authority si Locsin for “breaking the record”.
Kasunod na rin ito nang ibinunyag ni Locsin na “somebody dropped the ball” o ang tinutukoy ay si Health Secretary Francisco Duque III kaya’t nabigo ang bansa na maka secure ng 10 million dose ng bakuna mula sa Pfizer – BioNTech.
Sinabihan pa ni Lacson si Locsin na kung ito ang in charge o nakatutok sa bakuna tiyak na iba ang diskarte at magkakaroon ng agarang pagbabago sa buhay ng mga Pilipino.
Magugunitang sanib puwersa sina Locsin at Philippine ambassador to Washington Jose Romualdez para matiyak sana na masusuplayan ang Pilipinas ng 10 million dose ng COVID-19 vaccine mula sa American pharmaceutical company na Pfizer sa buwang ito.