Ibinunyag ni Senate President Vicente Sotto III ang posibleng pagiging standard bearer ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ni Senador Panfilo Lacson.
Ito ayon kay Sotto ay sakaling magpasya si Lacson na pumalaot sa presidential elections bagamat hindi naman niya aniya madidiktahan ang mga kapartido kung sino ang susuportahang presidentiable.
Samantala bukod kina Congresswoman Loren Legarda at Sorsogon Governor Francis Chiz Escudero tinukoy ni Sotto sina dating DICT Scretary Gregorio Honasan at dating Senador JV Ejerito na interesadong tumakbo muli sa pagka-senador at maaari naman aniyang i-adopt ng NPC ang mga re-election senator tulad ni Senador Sherwin Gatchalian.
Graduate na sina Sotto, Senate Presidential Protempore Ralph Recto at Senate Minority Floorleader Franklin Drilon at target naman ni Lacson ang tumakbong muli sa presidential elections o mag-retiro.
Itinuturing naman ni Sotto ang Pangulong Rodrigo Duterte bilang formidable competitor o malakas na kalaban ito sa pagka-bise presidente. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)