Ikinatuwa ng ilang senador ang pag kambyo ng PNP sa naunang desisyon na ipagbawal ang paghatid at pagsundo ng non apor sa mga apor habang naka lockdown ang Metro Manila simula ngayong araw na ito.
Tinawag na win win solution ni Senador Panfilo Lacson ang pagbabago ng isip ng PNP sa polisiya hinggil sa paghahatid at pag sundo sa APOR.
Ayon naman kay Senador Koko Pimentel, ang bagong pasya ng PNP ay magandang development at dapat na gumana sa loob ng dalawang linggong naka ECQ ang Metro Manila.
Una nang kapwa nanawagan sina Lacson at Pimentel sa PNP na repasuhin ang naunang patakaran na ipagbawal ang paghatid sundo sa mga apor dahil maaari anitong maabuso.