Maghahain ng mosyon si Senador Panfilo Lacson sa Senado para mapagbigyan ang kahilingan nina PhilHealth whistle blower Atty. Thorrsson Montes Keith at board member Alejandro Cabanding.
Kasunod aniya ito ng pagpapadala ng sulat nina Keith at Cabanding kay Senate President Vicente Sotto III na humihiling ng legislative immunity.
Ayon kay Lacson, mainam na pagbigyan ang hiling ng dalawa para sa mas malayang paglalabas ng mga testimonya ng mga ito.
This is subject to the approval of the majority fo the members of the Comittee of the Whole. Motion lang naman ang sa akin. Kung papayagan ng mga kasamahan ko, hindi naman bago sa ginagawa namin ganito, pag meron kaming witnesses na medyo sensitive ang kinalalagyan, binibigyan namin ng legislative immunity.
Lalu na aniya’t nagbanta na ang ilang mga board members ng PhilHealth na magsasampa ng kasong libelo laban kina Kieth at Cabanding.