Hinikayat ni Senador Panfilo Lacson ang pamahalaan na buksan ang mga credit facilities ng ibat ibang institusyon para sa mga maliliit na negosyante na malimit na suki ng mga bumbay na nagpapautang ng 5-6 o may 20 percent na interes.
Ayon kay Lacson, dapat ring tiyakin ng pamahalaan na magiging simple at walang maraming requirements sa pagpapa utang sa mga maliliit na negosyante.
Inihayag ito ni Lacson bilang pagpabor sa pagpapa-aresto at pagpapadeport sa mga bumbay na nagpapautang ng 5-6.
Gayunman, sinabi ni lacson na hindi lamang mga bumbay ang dapat tutukan ng pamahalaan dahil marami pang mga umaabuso at nanggigipit sa mga mahihirap na napipilitang kumapit sa patalim.
Ilang Senador aprubado ang hakbang ng Pangulo
Kinatigan ng ilang senador ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang talamak na 5-6.
Aprubado kay Senate President Koko Pimentel ang hakbang ng Pangulo na ipaaresto at ipadeport ang mga dayuhang nagpapa-5-6.
Maganda, aniya, ang aksyong ito ng Pangulo dahil mga mahihirap nating kababayan ang karaniwang pumapatol sa ganitong uri ng pautang kapag nagigipit sa pera.
Ayon naman kay Senate Majority Floor Leader Tito Sotto, pabor siya sa pagbuwag sa 5-6.
Ngunit dapat aniyang gawing accessible sa mga maliliit na negosyante ang P1 Billion lending scheme na nasa General Appropriations Act.
By: Len Aguirre / Cely Bueno / Avee Devierte