Kinumpirma ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na imposibleng makuha ni Pangulong Rodrigo Duterte o kahit sino pang pinuno ng bansa ang isandaang porsyentong suporta ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito’y matapos ihayag ni Pangulong Duterte ang kaniya pagkadismaya sa mga ulat na may ilang tauhan ng AFP ang nakikisimpatiya pa rin kay Senador Antonio Trillanes IV sa kabila ng ginawa nitong pagtataksil sa liderato ng pamahalaan.
Ayon kay Lacson, hindi maaaring maging batayan ng administrasyong Duterte na kanilang makukuha ang suporta ng buong pwersa ng afp dahil sa mga ibinibigay na tulong at benepisyo ng commander-in-chief sa militar.
Gayunman sinabi ng senador, na naniniwala siyang mas marami pa rin sa mga tauhan at oipisyal ng AFP ang tiyak niyang nasa kasalukuyang administrasyon ang simpatya.
Duterte magmumukhang insecure kapag nagpa-loyalty check sa mga sundalo — Honasan
Magmumukhang insecure lang umano si Pangulong Rodrigo Duterte kapag siya ay nagpa-loyalty check sa mga sundalo.
Ito’y ayon kay Senate Committee on National Defense Security Chairman Gringo Honasan kasunod ng mga napaulat na ilang sundalo umano ang nakikipag sabwatan sa oposisyon para sa planong pagpapabagsak ng kaniyang administrasyon.
Ayon kay Honasan, walang maidudulot na maganda kung magsasagawa ng loyalty check ang pangulo.
Pagtitiyak pa nito na ang alam ng mga sundalo ay na dapat ay nasa gitna lamang sila anumang usapin sa bansa kaya’t dapat umanong magtiwala lang ang pangulo sa mga ito.
(Ulat ni Cely Bueno)
Sen Panfilo Lacson on the statement of Pres Duterte that some soldiers are in cahoot w/ LP in a plot to overthrow his adm. @dwiz882 pic.twitter.com/yNllKZd8nc
— cely bueno (@blcb) September 26, 2018