Tiniyak ni Senador Panfilo Lacson ang buong suporta kay Senate President Vicente Sotto III sakaling tumakbong Pangulo o pangalawang Pangulo sa susunod na taon.
Sinabi ni Lacson na kilalang kilala niya kung paano mag trabaho si Sotto kaya’t suportado niya ito anumang puwesto ang takbuhan kahit sino pa man ang maging ka tandem nito.
Una nang lumutang ang umano’y niluluto nang tinaguriang macho bloc sa Senado na Lacson-Sotto tandem na ipantatapat sa mga kandidato ng administrasyon.