Tinawag na ipokrito ng isang kongresista si Senador Panfilo Lacson matapos ang akusasyon nitong tumanggap ng 160 million pesos ang mga distrito ng bawat kongresista mula sa proposed 3.8 trillion peso 2019 national budget.
Ayon kay COOP NATCCO Party-List Group Rep. Anthony Bravo, tinatawag na pork ni Lacson ang mga amendment kung nagmula sa Kamara gayong institutional amendments naman ang tawag dito pagdating sa Senado.
Iginiit ni Bravo na hindi maituturing na pork barrel ang mga alokasyon dahil may line items at hindi post enactment lump sums.
Magugunitang nagkasundo sina Senators Loren Legarda at Lacson na hindi pork barrel ang congressional allocations pero nalilito aniya silang mga kongresista sa biglang pagkambyo ni Lacson.