Umaasa si Senador Panfilo Lacson na hindi palalampasin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga umano’y insertion sa 2020 proposed national budget.
Paliwanag ng senador, hindi siya dumalo sa botohan ng bicameral conference committee dahil may nakita siyang mga last-minute insertion sa budget.
Dagdag pa nito, partikular niyang nakita na mula sa Kamara De Representantes ang mga naturang insertion.
Maaari aniya itong maging ugat ng kurapsyon sa bansa.
Samantala, inihayag naman ng senador na boboto siya ng ‘no’ sa ratification ng budget ngayong Miyerkules, ika-11 ng Disyembre. —ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)