Arestado ang isang policewoman at kasintahang Army corporal matapos magbenta ng assault rifle at pistol na government property sa mga Civilian Pulis Cotabato City.
Kinilala ng awtoridad ang mga suspek na sina patrolwoman Irish Emoy at Corporal Jaafar Sabturaon
Nasukol ang suspek, hindi kalayuan sa command post ng unit na kinabibilangan ni Sabturaon, ang 1st Brigade Combat Team ng Philippine Army.
Narekober ng mga operatiba ang 5.56 M16 rifle at isang .45 caliber pistol ang dalawa sa entrapment operation sa Barangay Tubon na nagresulta sa kanilang agad na pagkadetine.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 na nagbabawal sa pagbenta ng mga baril, mga bala o pampasabog nang walang pahintulot mula sa Philippine National Police.