Nag deploy pa ng mas maraming babaeng pulis ang Philippine National Police- Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa kahabaan ng EDSA para tumulong sa pag aayos ng trapiko.
Ayon kay HPG Chief Brigadier General Eliseo Cruz, 48 babaeng pulis ang nakapagtapos ng Motorcycle Riding course nuong 2018.
Sa ngayon aniya ay mayruon nang mahigit 20 babaeng pulis na ipinakalat nila sa EDSA.
Sinabi ni Cruz na maaaring lumuwag ang kalooban o mawala ang pagod ng mga mahuhuling motorista kung sisitahin ng mga babaeng pulis.
Ipinabatid pa ni Cruz na ang mga babaeng pulis ay sasamahan ng mga lalaking miyembro nila na deputized o maaaring mag isyu ng ticket sa mga lumalabag sa batas.