Kapwa umabanse na ang mga koponang Ateneo Lady Eagles at NU Lady Bulldogs para sa nalalapit na finals ng Shakey’s V-League.
Ginulantang ng Ateneo na nasa fourth seed ang FEU Lady Tamaraws nang makapagtala ito ng score na 25-14, 28-26 at 25-22.
Wala ang open spiker ng Tamaraws na si Bernadeth Pons na siyang dahilan upang samantalahin nila Michelle Morente at Bea De Leon ang pagkakataon para sa Ateneo.
Samantala, nasungkit naman ng Lady Bulldogs ang unang laban kontra UP Lady Maroons sa kanilang best of three finals.
Solidong laro ang ipinakita ng mga manlalaro ng nasabing mga koponan na nakapagtala naman ng mga score na 25-23, 25-23, 23-25 at 26-24 via overtime.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: Josh Albelda