Na-ospital ang international singer at performer na si Lady Gaga dahil sa chronic disease na fibromyalgia, dahilan upang kanselahin nito ang nakatakda sanang concert sa Rio de Janeiro, Brazil.
Ang nasabing sakit ay nagdudulot ng ‘severe’ muscle pain sa pasyente kasama na ang fatigue o madaliang pagkapagod, panghihina, at problema sa pagtulog.
Sa kanyang Instagram post ay humingi ng pang-unawa ang singer partikular sa kanyang fans sa Brazil.
Pagtitiyak ni Gaga, inaalagaan naman siya ng kanyang magagaling na doktor at mananatili aniya ang pagmamahal niya sa kanyang mga taga-suporta.
A post shared by xoxo, Gaga (@ladygaga) on
Ang concert sa Rio ay bahagi ng Joanne World Tour ni Gaga na magtatapos sa Disyembre kung saan inaabangan ang mga sikat niyang kantang “Million Reasons” at “Perfect Illusion.”
Plano rin ni Gaga na magpahinga muna pagkatapos ng kanyang tour.
Matatandaang nitong buwan rin ay kinansela ni Gaga ang kanyang concert sa Montreal.
—-