Maraming fans ang nadismaya matapos kanselahin ng last minute ni Lady Gaga ang kanyang nakatakdang concert na ‘Joanne World Tour’ sa Montreal.
Agad namang nagpaliwanag si Lady Gaga sa kanyang Twitter account.
Ayon sa pop star, nagkasakit umano siya matapos mag-perform sa ulan noong isang linggo sa New York.
Humingi din ito ng paumanhin sa mga taga-hangang nagreklamo sa kanyang short notice.
Para patunayan ito, nagdesisyon si Lady Gaga a magpa-giant pizza party sa labas ng kanyang hotel sa Montreal na may mensaheng:
I’m sending free to any monsters outside my hotel The William Gray Montréal. I love u so much & I’m so sorry u are the most loyal fans.
Kasabay nito, nagpakita din ang pop star sa labas ng kanyang hotel.
Nag-post naman ng mga larawan sa social media ang kanyang fans kaugnay dito.
Samantala, pinawi ng promoter ng concert ni Lady Gaga ang pag-aalala ng fans at sinabing ire-reschedule na lamang ang naudlot na concert.