Nanawagan ang singer na si Lady Gaga sa mga lider ng Amerika na agad kumilos para higpitan ang batas kaugnay sa pagdadala ng baril.
Ito ay matapos ang ‘deadliest’ mass shooting sa isang music festival sa Las Vegas Nevada na ikinasawi ng halos 60 katao at ikinasugat ng mahigit sa 500.
Habang ang ibang international stars ay naghayag ng simpatiya at pagdadalamhati matapos ang insidente ay ginamit naman ni Gaga ang social media upang gisingin ang mga pulitiko at nanawagang piliin ang pagkakaisa.
“This is terrorism plain and simple. Terror bares no race, gender or religion. Democrats & Republicans please unite now.”
Naghandog rin si Gaga ng 20-minutong live stream para sa panalangin sa mga naging biktima ng malagim na insidente.
May 71 million followers sa Twitter ang singer na ika-pito sa mga pinaka-popular.
—-