Sinabuyan ng asido ang isang lady guard sa Las Piñas city.
Naganap ang insidente sa isang subdivision kung saan agad na nakatakas ang suspek.
Nabatid na direktang tumama sa mata ng nasabing guard ang asido kaya hindi na nakakita ang biktima.
Iniimbestigahan na ng Las Piñas city police ang nasabing insidente
Habang wala ring ideya ang guard kung sino ang posibleng nagsaboy sa kanya ng asido.