Wagi ang La Salle Lady Spikers matapos talunin ang Ateneo Lady Eagles sa Game 1 ng UAAP o University Athletics Association of the Philippines Season 79 Women’s Volleyball Tournament Finals sa Smart Araneta Coliseum kagabi.
Ipinamalas ni Kim Fajardo ang kanyang husay kung saan nailista nito ang 37 excellent sets kasama ang 10 puntos na tinampukan ng pitong (7) aces para dalhin ang Lady Spikers sa 1-0 bentahe sa best-of-three championship series.
Pinangunahan naman ni open hitter Ernestine Tiamzon ang attack line matapos magpako ng 15 hits, habang nag-ambag ng 14 puntos si Season 78 Finals MVP Kim Kianna Dy para sa solidong opensa ng La Salle.
Sampung (10) puntos naman ang idinagdag ni Desiree Cheng at pinagsamang 15 puntos nina middle hitters Mary Joy Baron at Aduke Ogunsanya.
Samantala, bumandera sa hanay ng Lady Eagles si Jhoana Maraguinot na may 16 puntos, gayundin sina Bea de Leon na umukit ng 14 markers at Michelle Morente na gumawa ng 11 kills.
By Meann Tanbio
Photo Credit: GoArchers / Facebook