Desidido si President-elect Rodrigo Duterte na paigtingin ang giyera kontra iligal na droga sa kanyang pag-upo sa puwesto simula sa June 30.
Sa flag-raising ceremony kahapon sa Davao City, inihayag ni Duterte na sa sandaling hindi nasugpo ang illegal drugs sa bansa ay mamamayani ang narcopolitics kung saan ang mga utak ng sindikato ang magpapatakbo sa bansa.
Matutulad anya ang Pilipinas sa Mexico kung saan kontrolado ng mga sindikato ang mga pulitiko at gagastusan ang kandidatura ng mga ito subalit susunod sa dikta ng mga drug syndicate.
Idinagdag ni Duterte na marami sa mga lokal na opisyal sa katatapos na eleksyon ang nanalo gamit ang pera ng mga sindikato sa kanilang kampanya.
Bahagi ng pahayag ni incoming President Rodrigo Duterte
By Drew Nacino
Photo Credit: philippine star