Bahagyang nang gumanda ang lagay ng hangin sa Metro Manila.
Ayon sa pinakabagong pag-aaral ng Department of Enviroment and Natural Resources mula sa dating 166 micrograms noong 2010 ay naibaba na ito sa 120 micrograms ngayong taon.
Mataas na lamang ito ng 30 micrograms sa standard safe level o ang antas ng ligtas na hangin.
Bunga ito ng mas istriktong pagpapatupad ng gobyerno ng Clean Air Act of 1999 bukod pa sa effort ng mga lokal na pamahalaan na gumawa ng kani-kanilang mga Anti-Smoke Belching Unit.
Higit sa 8 milyong mga sasakyan nanggagaling ang 80 percent ng air pollution sa buong Metro Manila.
By Rianne Briones