Tinabla ng Malacañang ang mga panawagang maglabas ng medical bulletin ang Palasyo hinggil sa estado ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernie Abella, walang dapat ikabahala ang publiko dahil nasa peak aniya ang health condition ang punong ehekutibo.
Dagdag pa ni Abella, araw-araw namang nagbibigay ng update sa publiko ang pangulo hinggil sa lagay ng kanyang kalusugan.
Magugunitang maka-ilang beses nang inihayag sa publiko ang iniinda niyang mga karamdaman tulad ng back pain, migraine at Buerger’s disease.
By Jaymark Dagala